top of page

Carb comparison from food

  • relloreshernan
  • Apr 23, 2021
  • 1 min read

PAGMASDAN ANG LARAWAN

Isa itong pag-aaral na nagpapakita ng response ng katawan ng isang may Type 2 Diabetes sa 50g na Carbs at kung anong klaseng carbs ito.

Ipinapakita nito na hindi lahat ng 50g carbs ay pare pareha ang epekto sa pagpapataas ng ASUKAL ng dugo.

Sa loob ng 60 minutos pagkatapos kumain, makikitang ang 50g mula sa table sugar ay kayang pataasin ang Blood sugar ng hanggang 140mg/dl, sumunod ang 50g na patatas, then oatmeal, then bread, then rice.

Ibig sabihin, hindi porke 50g ang kinain mop na carbs ay sapat na yun na batayan na pasok ka sa Low Carb sapagkat magkakaiba ang glycemic index ng bawat carbohydrate foods (iba iba ang kakayanan nito na pataasin ang ating blood sugar at ang kakayanang magtrigger ng mas mataas na Insulin)

How will this image help you?

May mga ilan na nagsasabing di na ako magkakanin, papalitan ko nalang ng tinapay. O di kaya ay di namagkakanin pero malakas naman sa oatmeal at patatas. I hope that this image will explain bakit di pwedeng ipalit ang bread at oats at iba pang starches sa rice. When we say lessen the carb, it means lessen the RICE AND RICE SUBSTITUTES.

At mas kailangan niyo maunawaan dito kung bakit lalong hindi pwede na sabay sabay na kainin ang Bread, Rice at Potatoes, plus sugary drinks...

CITATION: Rasmussen OW et al. Blood glucose and insulin responses to different meals in non-insulin-dependent diabetic subjects of both sexes. The American journal of clinical nutrition. 1992;56(4):712-5.


 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

Subscribe Form

Thanks for submitting!

+639052667829

©2021 by Dodong Gala Weightloss. Proudly created with Wix.com

bottom of page